Kung sabagay, malayo na nga ang narating ng aking paglipad.
Marami nakita't marami nakilala.
Marami napuntahang hindi ko dapat matutunton.
At dahil sa'yo, pinili kong mapunta roon.
Kung sabagay, ang katotohanan nga talaga ay sadyang masakit.
Kaya't masasabi ko na parang ako ay nagkamali.
Nagkamali sa pagsunod sa iyong nais.
At dahil sa'yo, may natutunan ako.
Kung sabagay, tama lang siguro yung nangyari.
Tama lang na sundin kita, tama lang na sang-ayunan kita.
Pero darating nga rin pala na sasabihin nila, "Tama na."
At dahil sa'yo, hindi ko inisip na sasabihan mo ako ng tama na.
Kung sabagay, mukha ngang nasaktan kita.
At mukha ngang OO, sinaktan kita.
Pero, kung alam mo lang na sinaktan mo rin ako.
At dahil sa'yo, parang natutunan kong magpakamatay.
Kung sabagay, matagal na itong pagkakamali kong ito.
At hindi ko nagawan ng paraan para maayos ito.
Wala na akong ginawa tungkol dito.
At dahil sa'yo, nagawan ko pa ng paraan kahit sa maikling panahon.
Kung sabagay, ma-mimiss kita, hindi ko yun ipinagkakaila.
Pero 'wag ka sanang umasang hahanap-hanapin kita.
Kasi mamalagi ka na sa aking nakalipas na alaala.
At dahil sa'yo, nagagawa kong makalimot.
Kung sabagay, natapos na ang lahat.
Lahat ng saya, lahat ng sakit, lahat ay naglaho na.
Mukha ang ruta ng buhay ko'y babalik na sa tama.
At dahil sa'yo, masasabi ko na walang pagsisi sa mga nangyari na tila isang pagkakamali.
Sana, napakinggan mo man lang ang puso ko...
Nasaan ang hiwaga na aking kailangan?
Upang ang pag-iisa ko'y maibsan.
Siya lang ang lunas sa sakit kong nararamdaman,
Nasaan ang hiwaga na aking kailangan?
Nasaan ang liwanag na aking kailangan?
Upang mahawi na ang lubos na kadiliman.
Siya lang ang lunas sa aking kabulagan.
Nasaan ang liwanag na aking kailangan?
Nasaan ang tala na aking kailangan?
Upang masambit na ang aking kahilingan.
Siya lang ang lunas sa aking pag-aabang.
Nasaan ang tala na aking kailangan?
Nasaan ang talino na aking kailangan?
Upang ako'y hindi na maging mangmang.
Siya lang lunas sa utak kong walang laman.
Nasaan ang talino na aking kailangan?
Nasaan ang karunungan na aking kailangan?
Upang ang isip ko ay hindi na maguluhan.
Siya lang ang lunas sa aking kababawan.
Nasaan ang karungan na aking kailangan?
Nasaan ang bayani na aking kailangan?
Upang malasap ko na ang aking kaligtasan.
Siya lang ang lunas para maalis sa kahirapan.
Nasaan ang bayani na aking kailangan?
Nasaan ang kalayaan na aking kailangan?
Upang ako'y makalipad na sa itaas na kalawakan.
Siya lang ang lunas para makalabas sa kulungan.
Nasaan ang kalayaan na aking kailangan?
Nasaan ang kapayapaan na aking kailangan?
Upang mapanatag na ang aking kalooban.
Siya lang ang lunas sa aking paggugulumihanan.
Nasaan ang kapayapaan na aking kailangan?
Nasaan ang pag-ibig na aking kailangan?
Upang ang puso ko'y matigil na sa kahibangan.
Siya lang ang lunas sa aking kasawian.
Nasaan ang pag-ibig na aking kailangan?
Nasaan ka, ikaw na aking kailangan?
Upang ang buhay ko ay magkaroon ng kabuluhan.
Ikaw lang ang siyang lunas sa aking kahinaan.
Nasaan ka, ikaw na aking kailangan?
Pagmulat pa lang ng mata,
Napatungayaw ka na.
Pagtingin mo sa orasan eh,
Male-late ka na pala sa iyong klase.
Wala ng oras para maligo't kumain,
Magsasagot ka pa ng mga takdang-aralin.
Magpapa-print pa ng paper na isasubmit.
Mag-aaral pa para sa iyong mahabang pagsusulit.
Idinaan sa toothbrush ang baho ng bunganga.
Madaliang hilamos ang nagawa sa mukha.
Buhok na nakatirik, iyo na lang binasa.
(Bwela! Walasteek! Bagong ligo ka ba?)
Sa iyong pagbibihis, damit pala'y hindi plantsa.
Kaya kahit mainit, nag-jacket ka pa.
(Naku! Ang body spray ay nangalahati na.)
Para nga naman mabanguhan ang mga katabi niya.
Kinuha ang bag, ini-lock ang pintuan.
"Patay! 'Yung susi sa loob ay naiwan."
Buti na lang sa pagbaklas ng lock meron kakayahan.
Kinuha ang susi, "Bahala na kung manakawan".
Yagyag na kung maglakad papuntang komputeran.
"Shaks! Sarado pa sila? Naku, naman!"
Sobrang taranta na, wala ng mapag-igihan.
"Ah, puteek! Bahala na si Batman!"
Sa paglalakad, nagbasa ng aralin.
Mga dapat tandaan, sa utak ay sisiksikin.
Sa sobrang bising mag-memorya, wala na sa daan ang pagtingin.
Kaya pupu ng aso, natapakan mo ng hindi pansin.
"Buti naman, kasunod lang ako ni Mam."
Kaya naman pagkaupo mo pa lamang.
Naamoy mo na rin ang baho sa iyong paanan,
"Kebz ko. 'Di naman nila malalaman."
Makikiusap ka pa lamang sa iyong kaibigan.
Hihingi ng takdang-araling kokopyahan.
Sabay naganap na ang pasahan.
"HAH! Teka lang. Lentebes na 'yan!"
Natapos ang klase na may kalungkutan.
Halos dismayado, hina na ang katawan.
Kaya naman biglang nakalimutan.
Ang mahabang pagsusulit "Shet! Wala pa akong napapag-aralan!"
Pagkakuha ng test paper, walang nagawa kung 'di titigan.
May pagpikit pang nalalaman.
Sabay sulat ng kasagutan.
[Hanep ang iyong hulaan!]
Naubos ang oras ng walang katuturan.
Tapos na ang araw, umuwi na ng tahanan.
Nagpalit ng damit, humiga sa higaan.
Ang nasambit mo na lamang...
[Look for the title's translation, kung gusto mo malaman.]
Ano kaya ang susunod na istorya?
Ng aking buhay na laging abala.
Mga gawaing kaliwa't kanan na,
Aking mga nakaraan, 'di ko na maalala.
Ano kaya ang susunod na istorya?
Ng aking mga kaibigang, mahal ko talaga.
Nasa malayo man sila,
Sana ay ako'y kanila pang kilala.
Ano kaya ang susunod na istorya?
Ng aking minamahal na pamilya.
Hindi man kami laging nagkikita,
Pakiramdam ko narito lang sila.
Ano kaya ang susunod na istorya?
Ng aking pag-aaral sa aking eskwela
Sa lahat na aking kursong kinukuha,
Nawa'y ako ay pumasa.
Ano kaya ang susunod na istorya?
Ng aking kwentong kakaputol pa.
Ito maduduktungan pa kaya,
O maiiwang walang halaga.
Ano kaya ang susunod na istorya?
Ng aking awiting puso ko ang kumakanta.
Paghihintay ba'y mahaba na,
O hindi lang pinapansin; Ah! 'Yun ay saka na!
Dumating tayong nag-iisa sa mundong ito, at lilisan rin ng kagaya nito.
Pero ang buhay ay isang paglalakbay na puno ng kalungkutan.
Kung kaya't humahanap tayo ng pag-ibig kahit saan ito magtatagpuan.
Nag-aasam, nangangailangan, nasasaktan upang mapunan ang mga kakulangan dala ng ating pag-iisa. At sa atin paghahanap, tayo'y nasasaktan, nagdurusa at tumitindi ang pag-iisa.
Sa pagtakbo ng ating buhay, nalalaman natin na ang pag-ibig ay hindi hinahanap, kundi ang pag-ibig ang naghahanap sa atin.
"Ang pag-ibig ay hindi naaangkin, ito ay pinaparaya... at, sa ating pagpaparaya tayo ay napupunuan at nagiging kumpleto."
-Mula sa Maging Sino Ka Man OST