biglang nag-pop na lang...

Shouted by Sun Meng Rui

Ang hirap tanggapin ng nasasaktan ka na nga, nakakasakit ka pa pala ng ibang tao. Masahol pa rito ay hindi ka makapili ng gagawin mo upang ang isa ay maibsan ang sakit.

Sabi nga nila, ang pinakamahirap na sitwasyon ay ang maipit ko sa gitna. Ang hirap lumugar kung sa kaliwa ka o sa kanan, lalo pa't parehong nasa tama ang dalawang direksyon iyong pagpipilian. Dagdag pa nila, kung pipili ka ng isa mula sa kanila, masasaktan mo yung isa pa. Kung hindi ka naman pipili, pareho silang masasaktan.

Ang hirap talaga. Sarili o kaibigan?
Sino ang mas iintindihin? Ang sarili na kailangan ng pag-unawang tanging ang sarili rin lamang ang makapagbibigay linaw sa mga bagay-bagay na gumugulo sa buhay; o ang mga kaibigang laging nandiyan upang tumulong sa iyo, ngunit walang kasiguruhang makaaarok sa nais at laman ng iyong pagkatao, ng iyong mga nararamdaman.

Kailangan ba talaga laging inilalabas, itinatapon, o ipinahahayag ang problemang alam mo naman sa sarili mo ang solusyon? Kailangan ba talagang iwaksi sa harapan ng iba ang isang problemang alam mong hindi naman nila malulunasan?

Kailangan ba talagang ipahayag ang isang kasalanang sa sarili mo ay alam mong habang-buhay mo na itong babalikatin bilang kaparusahan?

Kapos na ang dalawa kong baga para mas marami pang hangin na aking kailangan. Nakakapagod na ang pagpapahintulot ng paglabas-pasok ng hininga sa aking ilong.
Nakakapagod ng padaluyin ang dugo. Nakakapagod na patibuking ang puso.

Huwag n'yo ng problemahin ang hindi sa inyo, hindi gaya ng nahiling ko. Ngunit wala akong pagsisisi sa kahilingan kong ito, sapagkat, kahit paano, nakikita ko ang bunga ng mga nararamdaman kong pagpapagal. Ayusin na natin ito.

May mga bagay talaga na hindi nakukuha sa pamimilit... at may mga bagay na hindi talaga pwedeng pakawalan ng walang kasiguruhan ang patutunguhan...


Isipin n'yo na ang gusto n'yong isipin. Sabihin n'yo na ang nais n'yong iparating. Husgahan n'yo na kung paano n'yo nakikita. Sapagkat nasa akin ang mga bagay na nararapat kong isipin, nasa akin pa rin ang mga nararapat kong sabihin at nasa akin pa rin ang mga kahatulang maluwag kong tatanggapin.
Hindi laging malungkot ang pag-iisa... Meron akong isang Kaibigang nakakasama, at matagal na akong nangungulila sa Kanya...

Without Words

Shouted by Sun Meng Rui

(translation taken from www.ampedasia.com)

I shouldn’t have done that,
I should have pretended not to know
like I didn’t see it, like I couldn’t see it
I shouldn’t have looked at you in the first place
I should have run away
I should have pretended I wasn’t listening
like I didn’t hear it, like I couldn’t hear it
I shouldn’t have heard your love in the first place
Without a word, you made me know what love is
Without a word, you gave me your love
Made me fill myself with your every breath
Then you ran away
Without a word, love leaves me
Without a word, love abandons me
Wondering what to say next
My lips were surprised
It came without a word
Why does it hurt so much?
Why does it hurt continuously?
Except for the fact that I can’t see you anymore, and that you’re not here anymore
otherwise, it’ll be just the same like before
Without a word, you made me know what love is
Without a word, you gave me your love
Made me fill myself with your every breath
Then you ran away
Without a word, love leaves me
Without a word, love abandons me
Wondering what to say next
My lips were surprised
Without a word, tears starts falling down
Without a word, my heart is broken
Without a word, I waited for love
Without a word, love hurts me

"Nabulatlat Kung Saan" Blg.1:
ANG PAG-IBIG... PARANG PAGTAE

Shouted by Sun Meng Rui

Ang pag-ibig, aking mailalarawan
Ng tulad sa pagtae, yano ang pakiramdam
Biglang dumarating ng hindi natin alam
Biglang mahuhulog sa ating harapan

Ang pag-ibig... parang pagtae, walang pinipiling panahon
Walang pasintabing ibibigay ng pagkakataon
Ang pag-ibig... parang pagtae, wala ring pinipiling tagpuan
Walang paabisong biglang tatamaan

Tulad ng pagtae, ang pag-ibig ay hindi napipigilan
Walang pinipili kahit nasa anumang kalagayan
Lalo mo mang pigilan, lalo rin naman masasaktan
Kaya walang magagawa kundi ang labasan

Tulad ng pagtae, ang pag-ibig ay hindi mo rin maiiwasan
Kahit ipagpabukas pa yan, malabo ng matakasan
Hindi 'yan titigil, hindi ka lulubayan
Hanggang wala ng magagawa, hanggang sa mapilitan

Gaya ng pagtatae, ang pag-ibig ay ganun rin
Marami problema't pagsubok na haharapin
Kaya mainam na ito'y agad hilumin
Upang ang tunaw at matubig na anyo, magbabalik sa dati mandin

Gaya ng pagtitibi, ang pag-ibig ay pinaghihirapan
Isa pa rin itong problema na kailangang solusyunan
Kaya mainam na ito'y bigyan ng kagamutan
Upang ang matigas na anyo, lalabas ng may kaginhawahan

Tulad ng pagtae, ang pag-ibig ay hindi ipinagpipilitan
Walang magagawa kung ayaw talagang labasan
Baka isang almoranas ang magisnan
Ang sakit na dulot ay hindi agad maiibsan

Ang pag-ibig... parang pagtae, paghihintay ay kailangan
Hindi minamadali, bagkus ay pinaghahandaan
Upang sa mga pagkakataon ang pagdating ay biglaan
May nakahanda tissue panglinis ng sarili at tubig na pangbuhos at pang-alis sa maruming nakaraan