(Based from Blue Tomorrow by Super Junior - M)
Wala ng magandang bukas pang aasahan
Mula sa isang tindahan sa dulo ng daan
Nangungulila sa isang taong mula sa nakaraan
Tanging ang bukas lang ang aakap sa pagmamahalan
Ng dalawang taong sa mukha'y puno ng kasiyahan
Bago ang bukang-liwayway, ang mga iyon ay wari'y nalumang mga larawan...
...Ng isang hangganan
Kalungkutan ng pag-iisa ay mamamasdan...
...Sa mga mata'y kinakikitaan
Mga luhang nagpapalabo sa pag-ibig na nararamdaman
Pag-ibig na nananatili sa aking puso, sa mga labi ay naninirahan
Bukas, ako'y iyo ng iiwanan
Bukas, mag-isa ng hihiling sa bulalakaw sa kalangitan
Gaya ng isang palabas narating na ang katapusan
Na napuno ng luha't mga kalungkutan
Lumabag sa binuong pangakong ang nakaraa'y 'di na babalikan
Isang himala pa rin ang aking inaasam
Ngunit ang iyong pag-alis, 'di pa rin napigilan
Sa aking silid, ang pag-ibig ay naiwan
Pati mga ala-ala, sa isip ay 'di mapakawalan
Nararamdaman ko pa rin ikaw sa aking harapan...
...Na isa ng hangganan
Kalungkutan ng pag-iisa ay mamamasdan...
...Sa mga mata'y kinakikitaan
Mga luhang nagpapalabo sa pag-ibig na nararamdaman
Pag-ibig na nananatili sa aking puso, sa mga labi ay naninirahan
Bukas, ako'y iyo ng iiwanan
Bukas, mag-isa ng hihiling sa bulalakaw sa kalangitan
Gaya ng isang palabas narating na ang katapusan
Na napuno ng luha't mga kalungkutan
Lumabag sa binuong pangakong ang nakaraa'y 'di na babalikan
Isang himala pa rin ang aking inaasam
Ngunit ang iyong pag-alis, 'di pa rin napigilan
Nais mo ba talaga sa pagtulog mong mag-isa, laging akong nasasaktan
Ngayong nanatili ako nakatayo dito sa lansangan
Minamasdan kayo, ang iyong pag-aakapan
Na tila bang ako'y isang taong pilit iniiwasan ang ulan ng kalungkutan
Bukas, ako'y iyo ng iiwanan
Bukas, mag-isa ng hihiling sa bulalakaw sa kalangitan
Gaya ng isang palabas narating na ang katapusan
Na napuno ng luha't mga kalungkutan
Lumabag sa binuong pangakong ang nakaraa'y 'di na babalikan
Isang himala pa rin ang aking inaasam
Lagi ko pa rin aalalahanin ang nakaraan
Ako'y maghihintay sa iyo, upang ako'y balikan
Pagka't mananatili ka sa aking isipan
Ng sa gayon ang panahon ang muling madugtungan
Hindi ko kakayanin ang bawat araw na hindi kita mahahagkan
Mahal kita, hindi iyon mababago ninuman...
Mahal kita, magpakailanman...
(translated to English by Google Translate. Rearranged in tagalog by me.)
"Bakit ba ang hirap pagsabaying intindihan at ibigin ka?
Ni halos para sa sarili ko wala na akong ginagawa."
"Hindi ko naman sinabing intindihin mo ako at ibigin.
At lalong hindi ko inasam ang mga ginagawa mo para sa akin."
"Ano bang problema, ha? Anong problema sa mga ginagawa ko sa iyo?
Sa bawat pagtatalo natin, lalo mo lang akong nililito."
"Saan kita nililito?"
"Nalilito ako dahil hanggang ngayon, wala pa akong makitang dahilan para patuloy pa kitang mahalin.
Ikaw, ni ang puso mo ay hindi ko maangkin"
"Bakit ko agad maibibigay sa iyo ang puso ko ng buong-buo?
Hindi mo nga maipadama sa akin na ikaw ang karapat-dapat na umangkin nito."
"Sabihin mo, paano ko makukuha ang puso mo?"
"Makukuha mo ito, kung matututunan mong pahalagahan ang sarili mo, pahalagahan ako, umibig at mabigo."
"Bibitaw ka na ba? Bibiguin mo na ako?"
"Mabitawan man kita. Biguin man kita.
Hindi man naging tayong dalawa.
Dapat na alam kung gaano ka kahalaga.
Para sa akin, walang iba na sana."
"Kung bibitawan mo ako...
Kung iiwan mo na ako...
Alam mo rin sana kung gaano kasakit ang malayo sa'yo...
Hindi 'paalam' ang magiging salita ko.
Kundi, 'sa puso ko, ikaw lang. Hindi ito magbabago.' "
(ang seryeng ito ay pawang kathang-isip lamang. anumang pagkakatulad o pagkakahawig nito sa ibang kwento ay hindi sinasadya ng "tunay na may-akda" at nagkataon lamang. ang lahat ng nilalaman nito ay batay lamang sa isang salaysay.)
Para sa iyo, kaibigang Clark, sa pagbabahagi mo ng kwento ng iyong pag-ibig.
* * *
Isang araw, may bente-singko sentimo sa daan.
Marumi.
Madungis.
Maalikabok.
Walang kintab.
Andun lang siya sa daan.
Naarawan.
Naulanan.
Natapakan.
Nasipa.
Lahat ng iyon, nakayanan niya.
"Sana ganun din ang puso ko..."
* * *
Isang araw, may bente-singko sentimo sa daan.
Marumi.
Madungis.
Maalikabok.
Walang kintab.
Andun lang siya sa daan.
Naarawan.
Naulanan.
Natapakan.
Nasipa.
Lahat ng iyon, nakayanan niya.
"Sana ganun din ang puso ko..."
* * *
Subscribe to:
Posts (Atom)