Isang bisyong hindi ko kayang pigilan,
Kahit anong gawin kong pagsusumikap, lagi pa rin talunan.
Hanggang kailan ako magiging luhaan?
Hanggang kailan ako laging masasaktan?
Sa bawat araw na nagdaraan,
Lagi na lang natitisod sa daang-batuhan.
Hanggang kailan mananatili ang aking kahinaan?
Hanggang kailan mababayaran ang aking pagkukulang?
Ang mundo nati'y sadyang puno na ng kasalanan,
Imbis na luntian ay maitim na kapaligiran.
Hanggang kailan mababalot ang mundo sa karimlan?
Hanggang kailan magtatago ang araw ng kaliwanagan.
Masyadong malaya ang sangkatauhan,
Kaya walang nagpipigil sa gusto ninuman.
Hanggang kailan palilipasin ang nakaraan?
Hanggang kailan ang pagbabago ay makakamtan?
Sa bawat tisyung nasasayang,
Kasalanan ko'y madaragdagan.
Hanggang kailan ako magpapanggap ng sariling katauhan?
Hanggang kailan maghihintay sa aking katapusan?
Ang pag-ibig na nga ba ang siyang kasagutan,
Upang sa gayon ay makita ko na ang kapayapaan.
Hanggang kailan ang paghihintay sa inaabangan?
Hanggang kailan magtatagal ang aking pangarap na simple lamang?
Para maging masaya:
Sapagkat ito'y nagdudulot ng ligaya.
Para magkakulay ang buhay:
Sapagkat ito ang 'crayon' na tunay.
Para magkaroon ng kasama:
Sapagkat sa simula pa lamang, tayo'y nag-iisa.
Para magkaroon ng kaibigan:
Sapagkat sila'y punong masasandalan.
Para magkaroon ng pananagutan:
Sapagkat hindi ka isang tao kapag wala kang gagampanan.
Para magkaroon ng pagkakagastusan:
Sapagkat sa kabilang buhay ay iba na ang kayamanan.
Para magkaroon ng kaaway:
Sapagkat pangit ang buhay kung walang pasaway.
Para may ligawan:
Sapagkat ito'y proseso na kailangan pagdaanan.
Para may kadaupang-palad:
Sapagkat kailangan sabay sa paglalakad.
Para may mayakap:
Sapagkat ito'y masarap sa makakatanggap.
Para may mabigyan ng halik:
Sapagkat ito'y tanda ng pagtangkilik.
Para maging iisa:
Sapagkat ito ay patunay na kayo na nga talaga.
*Para masaktan:
Sapagkat binabago ito ang isang katauhan.
*Para maiwang luhaan:
Sapagkat aanhin mo ang luha sa iyong katawan.
*Para madurog ang puso:
Sapagkat gaya ng balat, kailangan nito mabago.
*Para tayo ay matuto:
Sapagkat tayo'y babangon mula sa pagkabigo.
"AT PARA MULING UMIBIG, PARA MULING MAGMAHAL":
Sapagkat ito'y kinakailangan upang hindi tayo maging isang hangal.
Sa pagkamot ko sa aking ulo,
Wala na akong magawa kundi mag-isip.
Nakamot ko na pati mga panga ko,
Heto pa rin ako, patuloy na nag-iisip.
Pinapalipad ang utak,
Imahinasyo'y kung saan na napadpad.
Ibang mundo'y akin ng namasdan,
Dahil sa kokote kong laging nahihibang.
At ngayon pumapasok na rin dito,
Mga bagay na walang katuturan.
Oras ko ay nasasayang,
Ay, bali namang problemang ito.
Ano kaya ang solusyon? Anong kaya ang sagot?
Sa problemang ito na sa aki'y bumabagot.
'Yan tuloy, palagi akong malungkot,
Umiiyak sa kahahanap ng solusyong mahuhugot.
(Ayan, ako'y muling kumamot!)
Nais ko ng mamahinga,
Upang ang pagkahibang ay mamatay na.
Ayoko na ng mag-isa,
Ayoko ng mahibang pa.
Sa pasimula pa lang, ako'y namangha na;
Sa pasimula pa lang, ako'y biglang nagulat.
Sa pasimula pa lang, ako'y nanabik na;
Sa pasimula pa lang, ako'y nakagawa na.
Mga kahilingan:
Sana, ito ay magpatuloy;
Sana, ito ay lalong lumago.
Sana, ito ay makarating sa tao;
Sana, ito ay maging maganda, sa pasimula pa lang.