Noong una ay isang pangarap lang,
Ang maabot ang langit, araw ay mahawakan.
Sumama sa pagtawid nito sa kalawakan,
Mula sa silangan, palubog ng kanluran.
Pagsapit ng gabi, pinangarap ko buwan.
Tutuklasin ang hiwaga ng kanyang kaliwanagan.
Sa palaba nito na tila isang sanggalang,
Natanaw ko ang mga tala, nagkalat sa kalawakan.
Pinilit kong sungkitin, mga talang nagtatawanan.
Hindi alam ang uunahin, sa kanilang karamihan.
Kaya aking na lang silang pinagmasdan,
At sa huli'y bumulong ng kahilingan.
Ngunit silang lahat ay pangarap lamang...
Nang makita ka, nakita ko ang kalawakan.
Nang bumati ka, araw ay aking naramdaman.
Nang lumapit ka, oras ay natigilan.
Nang ngumiti ka, direksyo'y nangulumihanan.
Hinarap kita, at sumulyap ang buwan.
Nginitian kita, at ang hiwaga ay natuklasan.
Nilapitan kita, at nawala ang sanggalang.
Hinawakan kita, at lahat ng tala'y nakamtan.
Tayo ay nagtawanan, ang lakas ng halakhakan.
Tayo ay nag-usap, hindi alam ang patutunguhan.
Tinanong kita, "Kapag minahal kita, ikaw ba'y masisiyahan?"
Mabuti naman at ika'y may kasagutan.
Life is sometimes unfair. We’ll never know how long will go our way…this could be so fast and yet unexpected, knowing that this is to be taken away to face the world of reality…the life from other dimension.
We do not know exactly how long we will say thank you for someone who has played an important role in our lives. Maybe time will tell that we must say goodbye for now but we will never say farewell for the cherished moments we were able to impart. The world offers several opportunities.
We cannot deny the fact that sometimes the world is so unjust…the one you love is the one who was taken away from you… the mere fact is...maybe for lifetime.
Walking along our journey is one of our tasks…to look for our mission…to seek for our destiny. We do have our own path to walk on which could be smooth or rough. We are the ones who choose it. But, what matters most we are the ones who made it to the fullest. Learn to walk on, learn to fight, learn to be strong and face the world with enough strength, through your heart and soul. Speak up and be heard.
Saying thank you is really mean to me. Saying I appreciate what you did is a big deal to me since all I care about is myself. When you came along everything has changed. You changed my views; you changed everything that I used to stand out. For this, I admit you’ve WON because the inner me was changed…thank you my best friend….really, thanks for coming along.
Now I know what the world has to offer, that is to know someone who will understand my deeds, my ideas and my visions. That is to meet someone whom I can share my deepest aspirations, my never ending point of views... the best thing is someone who knows how to understand the essence of life.
We don’t hold our time...we don’t know when will our GAME be ended and say and prove that it is perhaps a game over… which is now the time to say… “I AM GIVING UP”! Though it might happen, still, No regrets! The reason…When I found you It is one of the most unforgettable and remarkable day of my borrowed life. With this I was able to realized one thing. The world offered me the best suit. It can’t be wear but this could be cherished. This could be farewell but I assure that this will never be a goodbye.
Just remember the thoughts that no matter what, I’ll always be here…to stand still and shower you the light until you finally found the treasure you used to seek for eternity. Be a man of potentials as you continue seeking for your destiny. God is always there to support and to hold to whatever belonging you wished to carry someday. The world offered me several things but I guess the most precious one is when I finally met someone who will never fail to say continue fighting for whatever struggle you are facing.
I do believe that these things happened for a reason. Whatever it is all I know is I am contented, I am satisfied.
So long! My best friend…my dear buddy! I know that I can still see you soon…we’ll continue singing in the midst of heaven. There, I’ll continue sharing my dreams…my hopes…that someday, somehow the road that we were able to build will somehow be revived and be viewed for us to walk on to another journey called LIFE.
Paano mo kakayanin ang isang masaklap na pangyayari?
Paano mo isasakripisyo ang mga iniiingatan mong pag-aari?
Paano mo maiisalba ang mga naghihingalong pagkakataon?
Paano mo lulusutan ang mga bagay na may makipot ng solusyon?
Paano mo babaguhin ang permanente sa mundo?
Paano mo pupunan ang mga pagkukulang ng iba?
Paano mo dadagdagan ang isang bawas sa buhay?
Paano mo babawasan ang isang dagdag sa buhay?
Paano mo kakalimutan ang natatak na nakaraan?
Paano mo gagalawin ang iyong kasalukuyan?
Paano mo huhubugin ang darating na hinaharap?
Paano mo ibibigay ang pinakamahalaga sa iyo?
Paano mo iingatan ang mga delikado?
Paano mo pasisimplehin ang complikado?
Paano mo pasasayahin ang malungkot na araw?
Paano mo pa-iiyakin ang maligayang buwan?
Paano mo aaliwin ang sariling pangungulila?
Paano mo sasagutin ang labing-pitong tanong na ito, kung pawang ang mga sagot sa mga ito ay wala sa iyo?
GOD made me. I was no accident, no happenstance. I was in God's plan....and he doesn't make junk, ever.
I was born to be successful human being. I am somebody special, unique, definitely one of a kind. And I love me. That is essential so that i might love you, too.
I have talents, potentials. Yes, there is greatness in me. And if I harness that specialness, then I will write my name in the sands of time with my deeds.
Yes, I must work harder, longer, with greater drive if I am to excel. And I will pay that price, for talents demand daily care and honing.
I was born in God's image and likeness. And I will strive to do God's will.
KAY TAGAL HININTAY
Min'sang gabi... Tahimik... Madilim... Tanging kalirit ng mga kuliglig ang aking naririnig mula sa bintana ng aking silid. Habang ako ay naghihintay na dalawin ng antok, naalaala ko ang isang kwento ng paghihintay sa pangarap. Kwento iyon ng isang kaibigang na nangarap na makasama ang kanyang tunay na pag-ibig. Halos araw-araw, naka-connect na ang mga nagniningning niyang mga mata sa kanyang crush habang dumadaan ito sa harapan niya. Kulang na nga lang, malusaw ng unti-unti ang lalaking iyon habang dumadaan dahil sa mga malalagkit at nag-iinit ng titig ng aking kaibigan. `Always daydreaming' siya. Minsan nakaka-iritang tingan. Minsan naman, nakakadala rin ng damdamin. Isang araw...
Mabibilog... Matubig-tubig... Nagniningning... Naparalyse... Iyang ang mga masasabi mo sa isa na namang eksena ng kanyang mga mata, habang dumadaan ang kanyang gwapong crush. Lagi na lang niyang sinasabi sa akin na `Time slows down'. As in `taayyyymmmmm issssllllooossss daaaawwwwnnn'. Napaka talaga ng kaibigan kong iyon. Napaka... napaka... napaka... Hindi mo malaman ang kanyang nais kapag napapadaan ang kanyang crush. Nawawala sa katinuan ang kanyang kokote. Nadaig pa niya ang lasing kapag nakausap mo siya, habang dumadaan ang `lab' niya. Yak! Lab ang tawag niya d'un sa lalaking pinapantasiya niya araw-araw, habang ito ay dumadaan sa harapan niya. Kung sabagay, may tama naman kaibigan ko. Talaga nga namang matatawag mo lab ang lalaking iyon. Gusto mong malaman??? Eh, ikaw ba naman ang ubod ng gwapo... Mala-ice slippery na mukha, dagdag pa ang pagiging shining white niyon... Maganda ang hubog ng katawan... Basta, `Mr. Perfect' daw siya para sa kaibigan ko. At dahil sa Mr. Perfect ang crush niya, siya naman daw ang `Ms. Perfect'. HAH! (Iyon lang ang nasabi ko...) Dalawang araw...
Maaliwas ang panahon niyon. Nakatambay kami ng kaibigan ko sa tambayan ng mga tambay sa Gusali ng Tambayan sa school ng mga Tambay ('Wag ng alamin, baka i-report kami!). Kumakain kami noon ng popcorn in barbarque sauce. Pinag-eksperimentuhan ng kaibigan ko 'yung magpapopcorn sa labasan. And as usual, (“more than the usual” sabi ng lumang commercial ng WOW PHILIPPINES) napadaan na naman sa harapan ng aking kaibigan ang kinababaliwan niyang `lab'. Pumungay na naman ang kanyang mga mata. Kulang na nga lang eh manlisik ang mga iyon. Araw-araw ay pataas ng pataas ang level ng pagpungay ng mga brown-colored eyes niya. Aba! Aba! Aba! Ibang level na sarap ng kanyang nararamdaman. Tinanong ko siya kung bakit hindi na lang niya aminin ang kanyang nararamdaman sa `lab' niya. Hinarap niya ako... Tinitigan... Hinawakan ang mga balikat ko at sinabi... `A... YO... KO...!' Tinanggal ko ang mga kamay niya sa aking balikat... hinawakan ko naman ang mga pisngi at sinabi... `BA... KIT...?' Hinawakan niya ang aking mga kamay... Tinanggal mula sa kanyang mga pisngi ang mga iyon at ibinalik sa aking piling... at sinabi... `SI... KRET...!'( in ate guy's tone) Tatlong araw...
`Ayun, nand'un na naman ulit kami sa tambayan, pero umipod kami ng mga one inch pakanan. At naulit na naman ang eksenang gustong-gusto ng kaibigan ko, ang pagdaan ng kanyang `lab' sa kanyang harapan. Aba! May epileptic effect pa. Kinilig in short. Paano ba naman eh nag-improve ang eksenang iyon. May “TSK-Kindat factor” ng nalalaman ang `lab' ng kaibigan ko. Kamusta ang eksena? Ayon sa kaibigan ko, habang nag-i-slow motion DAW ang paningin niya, nakakita RAW siya ng mga sparking lights na mala-Ang Pasko ay Sumapit (christmas lights 'yun). Ayon pa sa kanya, nang nasa 15 degrees DAW sa kanyang perspective view ang kanyang `lab', bigla na lang DAW itong kumindat sa kanya. Kaya pala laking gulat (as in `Shocks!') ko na may epileptic effect ang kanyang reaksyon. Kasi nga RAW, noon lang niya nakita (kasi hindi ko naman nakita, kaya siya lang) na kumindat ang kanyang `lab' sa kanya. At iyon ang tatlong araw... kaya... Apat na araw...
Himala! Wala kami noon sa tamabayan kaya, hindi niya nakitang dumaan ang kanyang `lab'. Sayang! Limang araw...
`This is it' Sa wakas! Aamin na raw siya sa `lab' niya. Paano ba naman, eh hindi na raw niya kaya. Kaya wala akong magagawa kundi `supurtahan na lang ko siya' Tinanong ko kung kailan ba magaganap. Sagot niya... `Soon' Anim na araw...
Tamabayan na naman ang tagpuan namin. Pero nag-iba ang eksena. Hindi dumaan ang `lab' ng kaibigan ko. Halos wala na ngang dumaan sa harapan namin. Pareho kaming nagtaka ng kaibigan ko. Naghintay kami ng mga tatlo hanggang apat na oras. Nagbabaka sakaling may dumaan at iyon ay ang `lab' ng aking kaibigan. Naiinip na kami ngunit nag-extend kami ng limang oras. Kakainip... Kakainip talaga... Sobrang kakainip talaga... Kaya tumingin na lang ako sa relo ko. Napansin ko 'yung mahabang kamay ng relo ko na nakaturo sa number 3. Nang imipod iyon, laking gulat ko. Hindi dahil sa inabot na kami ng curfew sa school, kundi sa petsa ng araw na iyon. FEB 18... SUN... WHAAATTTT!!!!! Pito at huling araw na ito...
Lunes... Sure na kaming may dadaan sa harapan namin ng kaibigan ko. May pasok na ano? Naghihintay ulit kami sa dating tambayan. Marami naman ang dumadaan, pero hindi pa namin nakikita ang `lab' ng kaibigan ko. Kamusta naman iyon, ano? Umaasa ang kaibigan ko na makikita na niya ulit ang `lab' niya. At take note, ito na pala ang araw na aaminin na niya ang kanyang nararamdaman. Syalen! Pero, nang mag-aalas singko na ng hapon, hindi pa rin namin siya nakikita. Sa isang kisa- mata, ay bigla na lang nanghina ang kaibigan ko. Pinayuhan ko siyang umuwi na kami at magpahinga na lang muna siya, gaya ng pagpapahinga ng DIYOS sa ikapitong araw (anong konek?). Ang Araw ng Paghuhukom ng kanyang pag-ibig sa kanyang `lab' ay naudlot, gaya ng pag-udlot ni ODIN sa katapusan ng mundo (ayon sa Norse Mythology).
Ngayon ang pitong araw... Ang araw na itinakda ng aking kaibigan... Ang araw na magpapasimula sa isang napakagandang kwento ng pag-big at pagsasakripisyo... Ang araw na tatatak sa ating mga alaala... Ang araw na balang araw ay magiging special holiday... at pagkatapos, magiging regular holiday na...
Sayang ang araw na iyon... Sayang ang mga sandaling ipinaghintay ng aking kaibigan para sa kanyang `lab'... Sayang ang mga oras na sana ay magkasama na silang dalawa... Sayang at hindi ko nasaksihan ang mga pangyayaring iyon... Kaya hindi ko na maiiikwento pa sa inyo ng matagal...
Sa wakas... Kung ang paghihintay ng kaibigan ko sa kanyang `lab' ay nauwi sa wala, ako hindi. Sapagkat, ang aking paghihintay na ako'y makatulog na ay nangyari na. Tumabi na sa piling ko ang antok at inakit na ako sa aking kama. Min'sang gabi... Tahimik... Madilim... Sa kadahilanang nakapikit na ako at mahimbing natutulog... Gud nyt=) Swit drims=) Tke cre=) God bles=) (text sa akin ng mga friends ko bago natulog) HAAY!!! HKKGGG!!!(hilik 'yan)
(Halaw sa iba't ibang emosyon ng mga kantang gusto ko... At madadagdagan pa ito...)
"Sapat na bang dahilan ang mga pagkakamali't pagkukulang ko,
para unti-unting mawala sa akin ang pag-ibig mo?
Sana, nagawa kong maging perpekto..."
"Kailan ba magiging madali ang umibig?
Kailan hindi mananakit ang tadhana?
Buti pa ang mulot, nararamdaman ko.
Eh, 'yung kayang pag-ibig mo?"
"Para kang surprise quiz, kung minsan nakakainis.
Para kang kutong kay hirap kong matiris.
Pero dahil mahal kita...
Para kang taeng hindi ko matitiis."
"Natatawa ako sa mga late ng pumasok dahil nagmamadali sila sa paghabol sa oras.
Nakikisimpatya ako sa mga delayed na naghahabol sa panahon.
Sa mga mata't aking puso, may papansin kaya sa paghabol sa iyo?"