biglang nag-pop na lang...

Shouted by Sun Meng Rui

Ang hirap tanggapin ng nasasaktan ka na nga, nakakasakit ka pa pala ng ibang tao. Masahol pa rito ay hindi ka makapili ng gagawin mo upang ang isa ay maibsan ang sakit.

Sabi nga nila, ang pinakamahirap na sitwasyon ay ang maipit ko sa gitna. Ang hirap lumugar kung sa kaliwa ka o sa kanan, lalo pa't parehong nasa tama ang dalawang direksyon iyong pagpipilian. Dagdag pa nila, kung pipili ka ng isa mula sa kanila, masasaktan mo yung isa pa. Kung hindi ka naman pipili, pareho silang masasaktan.

Ang hirap talaga. Sarili o kaibigan?
Sino ang mas iintindihin? Ang sarili na kailangan ng pag-unawang tanging ang sarili rin lamang ang makapagbibigay linaw sa mga bagay-bagay na gumugulo sa buhay; o ang mga kaibigang laging nandiyan upang tumulong sa iyo, ngunit walang kasiguruhang makaaarok sa nais at laman ng iyong pagkatao, ng iyong mga nararamdaman.

Kailangan ba talaga laging inilalabas, itinatapon, o ipinahahayag ang problemang alam mo naman sa sarili mo ang solusyon? Kailangan ba talagang iwaksi sa harapan ng iba ang isang problemang alam mong hindi naman nila malulunasan?

Kailangan ba talagang ipahayag ang isang kasalanang sa sarili mo ay alam mong habang-buhay mo na itong babalikatin bilang kaparusahan?

Kapos na ang dalawa kong baga para mas marami pang hangin na aking kailangan. Nakakapagod na ang pagpapahintulot ng paglabas-pasok ng hininga sa aking ilong.
Nakakapagod ng padaluyin ang dugo. Nakakapagod na patibuking ang puso.

Huwag n'yo ng problemahin ang hindi sa inyo, hindi gaya ng nahiling ko. Ngunit wala akong pagsisisi sa kahilingan kong ito, sapagkat, kahit paano, nakikita ko ang bunga ng mga nararamdaman kong pagpapagal. Ayusin na natin ito.

May mga bagay talaga na hindi nakukuha sa pamimilit... at may mga bagay na hindi talaga pwedeng pakawalan ng walang kasiguruhan ang patutunguhan...


Isipin n'yo na ang gusto n'yong isipin. Sabihin n'yo na ang nais n'yong iparating. Husgahan n'yo na kung paano n'yo nakikita. Sapagkat nasa akin ang mga bagay na nararapat kong isipin, nasa akin pa rin ang mga nararapat kong sabihin at nasa akin pa rin ang mga kahatulang maluwag kong tatanggapin.
Hindi laging malungkot ang pag-iisa... Meron akong isang Kaibigang nakakasama, at matagal na akong nangungulila sa Kanya...

2 comments:

  1. rhudith said...

    nice! i just read it.. hindi ko nga lang maintindihan yong ibang words, lalim mo kasing magtagalog tagaQuezon, sorry bisaya kasi ako..haha.. anyway.. i'll choose my friends.. baka lang kasi it's not the right time para sayo.. hehe.. sorry ganun kasi ako, mas pinipili ang mas nakakarami..

  2. rhudith said...

    meron at meron namang nagpaparaya sa kanilang dalawa.. kaya lang minsan ung gusto mo ang nagpaparaya kaya mahirap.. hay.. ganun talaga ang buhay ata..