"Bakit ba ang hirap pagsabaying intindihan at ibigin ka?
Ni halos para sa sarili ko wala na akong ginagawa."
"Hindi ko naman sinabing intindihin mo ako at ibigin.
At lalong hindi ko inasam ang mga ginagawa mo para sa akin."
"Ano bang problema, ha? Anong problema sa mga ginagawa ko sa iyo?
Sa bawat pagtatalo natin, lalo mo lang akong nililito."
"Saan kita nililito?"
"Nalilito ako dahil hanggang ngayon, wala pa akong makitang dahilan para patuloy pa kitang mahalin.
Ikaw, ni ang puso mo ay hindi ko maangkin"
"Bakit ko agad maibibigay sa iyo ang puso ko ng buong-buo?
Hindi mo nga maipadama sa akin na ikaw ang karapat-dapat na umangkin nito."
"Sabihin mo, paano ko makukuha ang puso mo?"
"Makukuha mo ito, kung matututunan mong pahalagahan ang sarili mo, pahalagahan ako, umibig at mabigo."
"Bibitaw ka na ba? Bibiguin mo na ako?"
"Mabitawan man kita. Biguin man kita.
Hindi man naging tayong dalawa.
Dapat na alam kung gaano ka kahalaga.
Para sa akin, walang iba na sana."
"Kung bibitawan mo ako...
Kung iiwan mo na ako...
Alam mo rin sana kung gaano kasakit ang malayo sa'yo...
Hindi 'paalam' ang magiging salita ko.
Kundi, 'sa puso ko, ikaw lang. Hindi ito magbabago.' "
|
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment