Pangarap na Bit_in

Shouted by Sun Meng Rui

Noong una ay isang pangarap lang,
Ang maabot ang langit, araw ay mahawakan.
Sumama sa pagtawid nito sa kalawakan,
Mula sa silangan, palubog ng kanluran.

Pagsapit ng gabi, pinangarap ko buwan.
Tutuklasin ang hiwaga ng kanyang kaliwanagan.
Sa palaba nito na tila isang sanggalang,
Natanaw ko ang mga tala, nagkalat sa kalawakan.

Pinilit kong sungkitin, mga talang nagtatawanan.
Hindi alam ang uunahin, sa kanilang karamihan.
Kaya aking na lang silang pinagmasdan,
At sa huli'y bumulong ng kahilingan.

Ngunit silang lahat ay pangarap lamang...

Nang makita ka, nakita ko ang kalawakan.
Nang bumati ka, araw ay aking naramdaman.
Nang lumapit ka, oras ay natigilan.
Nang ngumiti ka, direksyo'y nangulumihanan.

Hinarap kita, at sumulyap ang buwan.
Nginitian kita, at ang hiwaga ay natuklasan.
Nilapitan kita, at nawala ang sanggalang.
Hinawakan kita, at lahat ng tala'y nakamtan.

Tayo ay nagtawanan, ang lakas ng halakhakan.
Tayo ay nag-usap, hindi alam ang patutunguhan.
Tinanong kita, "Kapag minahal kita, ikaw ba'y masisiyahan?"
Mabuti naman at ika'y may kasagutan.

0 comments: