Kay Tagal Kang Hinintay (unedited)

Shouted by Sun Meng Rui

KAY TAGAL HININTAY

Min'sang gabi... Tahimik... Madilim... Tanging kalirit ng mga kuliglig ang aking naririnig mula sa bintana ng aking silid. Habang ako ay naghihintay na dalawin ng antok, naalaala ko ang isang kwento ng paghihintay sa pangarap. Kwento iyon ng isang kaibigang na nangarap na makasama ang kanyang tunay na pag-ibig. Halos araw-araw, naka-connect na ang mga nagniningning niyang mga mata sa kanyang crush habang dumadaan ito sa harapan niya. Kulang na nga lang, malusaw ng unti-unti ang lalaking iyon habang dumadaan dahil sa mga malalagkit at nag-iinit ng titig ng aking kaibigan. `Always daydreaming' siya. Minsan nakaka-iritang tingan. Minsan naman, nakakadala rin ng damdamin. Isang araw...

Mabibilog... Matubig-tubig... Nagniningning... Naparalyse... Iyang ang mga masasabi mo sa isa na namang eksena ng kanyang mga mata, habang dumadaan ang kanyang gwapong crush. Lagi na lang niyang sinasabi sa akin na `Time slows down'. As in `taayyyymmmmm issssllllooossss daaaawwwwnnn'. Napaka talaga ng kaibigan kong iyon. Napaka... napaka... napaka... Hindi mo malaman ang kanyang nais kapag napapadaan ang kanyang crush. Nawawala sa katinuan ang kanyang kokote. Nadaig pa niya ang lasing kapag nakausap mo siya, habang dumadaan ang `lab' niya. Yak! Lab ang tawag niya d'un sa lalaking pinapantasiya niya araw-araw, habang ito ay dumadaan sa harapan niya. Kung sabagay, may tama naman kaibigan ko. Talaga nga namang matatawag mo lab ang lalaking iyon. Gusto mong malaman??? Eh, ikaw ba naman ang ubod ng gwapo... Mala-ice slippery na mukha, dagdag pa ang pagiging shining white niyon... Maganda ang hubog ng katawan... Basta, `Mr. Perfect' daw siya para sa kaibigan ko. At dahil sa Mr. Perfect ang crush niya, siya naman daw ang `Ms. Perfect'. HAH! (Iyon lang ang nasabi ko...) Dalawang araw...

Maaliwas ang panahon niyon. Nakatambay kami ng kaibigan ko sa tambayan ng mga tambay sa Gusali ng Tambayan sa school ng mga Tambay ('Wag ng alamin, baka i-report kami!). Kumakain kami noon ng popcorn in barbarque sauce. Pinag-eksperimentuhan ng kaibigan ko 'yung magpapopcorn sa labasan. And as usual, (“more than the usual” sabi ng lumang commercial ng WOW PHILIPPINES) napadaan na naman sa harapan ng aking kaibigan ang kinababaliwan niyang `lab'. Pumungay na naman ang kanyang mga mata. Kulang na nga lang eh manlisik ang mga iyon. Araw-araw ay pataas ng pataas ang level ng pagpungay ng mga brown-colored eyes niya. Aba! Aba! Aba! Ibang level na sarap ng kanyang nararamdaman. Tinanong ko siya kung bakit hindi na lang niya aminin ang kanyang nararamdaman sa `lab' niya. Hinarap niya ako... Tinitigan... Hinawakan ang mga balikat ko at sinabi... `A... YO... KO...!' Tinanggal ko ang mga kamay niya sa aking balikat... hinawakan ko naman ang mga pisngi at sinabi... `BA... KIT...?' Hinawakan niya ang aking mga kamay... Tinanggal mula sa kanyang mga pisngi ang mga iyon at ibinalik sa aking piling... at sinabi... `SI... KRET...!'( in ate guy's tone) Tatlong araw...

`Ayun, nand'un na naman ulit kami sa tambayan, pero umipod kami ng mga one inch pakanan. At naulit na naman ang eksenang gustong-gusto ng kaibigan ko, ang pagdaan ng kanyang `lab' sa kanyang harapan. Aba! May epileptic effect pa. Kinilig in short. Paano ba naman eh nag-improve ang eksenang iyon. May “TSK-Kindat factor” ng nalalaman ang `lab' ng kaibigan ko. Kamusta ang eksena? Ayon sa kaibigan ko, habang nag-i-slow motion DAW ang paningin niya, nakakita RAW siya ng mga sparking lights na mala-Ang Pasko ay Sumapit (christmas lights 'yun). Ayon pa sa kanya, nang nasa 15 degrees DAW sa kanyang perspective view ang kanyang `lab', bigla na lang DAW itong kumindat sa kanya. Kaya pala laking gulat (as in `Shocks!') ko na may epileptic effect ang kanyang reaksyon. Kasi nga RAW, noon lang niya nakita (kasi hindi ko naman nakita, kaya siya lang) na kumindat ang kanyang `lab' sa kanya. At iyon ang tatlong araw... kaya... Apat na araw...

Himala! Wala kami noon sa tamabayan kaya, hindi niya nakitang dumaan ang kanyang `lab'. Sayang! Limang araw...

`This is it' Sa wakas! Aamin na raw siya sa `lab' niya. Paano ba naman, eh hindi na raw niya kaya. Kaya wala akong magagawa kundi `supurtahan na lang ko siya' Tinanong ko kung kailan ba magaganap. Sagot niya... `Soon' Anim na araw...

Tamabayan na naman ang tagpuan namin. Pero nag-iba ang eksena. Hindi dumaan ang `lab' ng kaibigan ko. Halos wala na ngang dumaan sa harapan namin. Pareho kaming nagtaka ng kaibigan ko. Naghintay kami ng mga tatlo hanggang apat na oras. Nagbabaka sakaling may dumaan at iyon ay ang `lab' ng aking kaibigan. Naiinip na kami ngunit nag-extend kami ng limang oras. Kakainip... Kakainip talaga... Sobrang kakainip talaga... Kaya tumingin na lang ako sa relo ko. Napansin ko 'yung mahabang kamay ng relo ko na nakaturo sa number 3. Nang imipod iyon, laking gulat ko. Hindi dahil sa inabot na kami ng curfew sa school, kundi sa petsa ng araw na iyon. FEB 18... SUN... WHAAATTTT!!!!! Pito at huling araw na ito...

Lunes... Sure na kaming may dadaan sa harapan namin ng kaibigan ko. May pasok na ano? Naghihintay ulit kami sa dating tambayan. Marami naman ang dumadaan, pero hindi pa namin nakikita ang `lab' ng kaibigan ko. Kamusta naman iyon, ano? Umaasa ang kaibigan ko na makikita na niya ulit ang `lab' niya. At take note, ito na pala ang araw na aaminin na niya ang kanyang nararamdaman. Syalen! Pero, nang mag-aalas singko na ng hapon, hindi pa rin namin siya nakikita. Sa isang kisa- mata, ay bigla na lang nanghina ang kaibigan ko. Pinayuhan ko siyang umuwi na kami at magpahinga na lang muna siya, gaya ng pagpapahinga ng DIYOS sa ikapitong araw (anong konek?). Ang Araw ng Paghuhukom ng kanyang pag-ibig sa kanyang `lab' ay naudlot, gaya ng pag-udlot ni ODIN sa katapusan ng mundo (ayon sa Norse Mythology).

Ngayon ang pitong araw... Ang araw na itinakda ng aking kaibigan... Ang araw na magpapasimula sa isang napakagandang kwento ng pag-big at pagsasakripisyo... Ang araw na tatatak sa ating mga alaala... Ang araw na balang araw ay magiging special holiday... at pagkatapos, magiging regular holiday na...

Sayang ang araw na iyon... Sayang ang mga sandaling ipinaghintay ng aking kaibigan para sa kanyang `lab'... Sayang ang mga oras na sana ay magkasama na silang dalawa... Sayang at hindi ko nasaksihan ang mga pangyayaring iyon... Kaya hindi ko na maiiikwento pa sa inyo ng matagal...

Sa wakas... Kung ang paghihintay ng kaibigan ko sa kanyang `lab' ay nauwi sa wala, ako hindi. Sapagkat, ang aking paghihintay na ako'y makatulog na ay nangyari na. Tumabi na sa piling ko ang antok at inakit na ako sa aking kama. Min'sang gabi... Tahimik... Madilim... Sa kadahilanang nakapikit na ako at mahimbing natutulog... Gud nyt=) Swit drims=) Tke cre=) God bles=) (text sa akin ng mga friends ko bago natulog) HAAY!!! HKKGGG!!!(hilik 'yan)

0 comments: